^

Metro

‘Task Force Manila Shield’, itinatag ng PNP

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
�Task Force Manila Shield�, itinatag ng PNP
Photo shows President-elect Ferdinand Marcos Jr. answers questions from media at his campaign headquarters in Mandaluyong City on June 20, 2022.
Michael Varcas

Para sa inagurasyon ni Marcos

MANILA, Philippines — Bilang bahagi pa rin ng seguridad sa nalalapit na inagurasyon ni President elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., ipatutupad ng Philippine National Police (PNP) ang ‘Task Force Manila Shield’ simula sa Hunyo 28, dalawang araw bago ang okasyon.

Ayon kay PNP Director for Operations Maj. General Valeriano de Leon, ang implementasyon ng TF Manila Shield ay dagdag seguridad upang masiguro na walang anumang aberya o gulo sa pagdadaos ng pa­nunumpa ni Marcos sa National Museum sa Hunyo 30.

Aminado si De Leon namaximum security ang paiiralin ng PNP sa Maynila para sa makasaysayang okasyon.

Kasama sa security measures ang pagsasagawa ng checkpoint operations sa lahat ng entry points ng lungsod tatlong araw bago ang inagurasyon; at pagpapatupad ng gun-ban sa buong National Capital Region simula June 27.

Lahat aniya ng papasok na sasakyan sa Maynila sa panahong nabanggit ay dadaan sa mga checkpoint upang mahadlangan ang mga kriminal na elemento at mga balak manggulo.

Inabisuhan na rin aniya ang lahat ng police commanders sa Metro Manila at mga karatig lalawigan na palakasin ang kanilang intelligence monitoring sa aktibidad ng mga grupong nagpaplanong isabotahe ang inagurasyon.

Mahigit 15,000 pulis, sundalo, coast guard personnel, at force multipliers, ang ide-deploy para sa June 30 inagurasyon.

 

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with