Dolomite Beach permanente nang bubuksan sa publiko - DENR
MANILA, Philippines — Permanente nang bubuksan sa publiko ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang Manila Bay Dolomite Beach.
Ayon sa DENR, mananatiling bukas ang Dolomite Beach kahit matapos na ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa June 30.
Muling binuksan sa publiko ang Dolomite Beach noong June 12 kasabay ng pagdiriwang ng ika-124 na anibersaryo ng Independence Day kung saan dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte.
Bukas ang Dolomite Beach mula alas-6 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi.
Sarado naman ito tuwing araw ng Huwebes para sa paglilinis at pagsasaayos.
Pinapayagan ang may 1,500 hanggang 3,500 na bisita na makapasok sa Dolomite Beach.
- Latest