^

Metro

2 huli sa P27.4 milyong shabu

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Natimbog ng pinagsanib na puwersa  ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang claimant ng tinatayang P27.4 milyong shabu na nasabat sa Port of Clark nitong nakaraang Miyerkules.

Sa ulat na isinumite kay BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero, unang nadiskubre ang isang shipment na idineklarang mga pintura na mula sa Silver Spring, Maryland, USA nitong Mayo 20.

Nang isailalim sa x-ray, nakitaan ito ng mga ‘organic substance’ kaya nagpatupad ng 100% physical examination. Dito tumambad ang apat na foil packs na naglalaman ng puting crystalline substance na pinaniniwalaang shabu.

Dinala ang mga ebi­densya sa PDEA at isinailalim sa laboratory examination at nakumpirma na shabu ang kontrabando na tinangkang ipuslit.

Nitong Mayo 25 nang magkasa ng ‘controlled delivery’ ang BOC at PDEA sa Taguig City na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang tumanggap ng shipment.

Hindi na kinilala ng BOC ang mga naarestong suspek na nakaditine na sa PDEA Custodial facility at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.

vuukle comment

BOC

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with