^

Metro

2 arestado sa P27.6 milyong shabu

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
2 arestado sa P27.6 milyong shabu
Hindi na pinangalanan ang menor-de-edad na dalagitang consignee ng ilegal na droga habang ang kanyang lalaking kasama ay nakilalang si Relaico Ailes, 27, ng Taguig City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Arestado ang dalawa katao kabilang ang isang dalagita matapos na tanggapin ang isang pakete na naglalaman ng apat na kilo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P27 milyon, sa isang controlled delivery operations na isinagawa sa Taguig City kamakalawa ng gabi.

Hindi na pinangalanan ang menor-de-edad na dalagitang consignee ng ilegal na droga habang ang kanyang lalaking kasama ay nakilalang si Relaico Ailes, 27, ng Taguig City.

Batay sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency-Region III (PDEA3), nag-ugat ang operasyon nang duma­ting ang naturang pakete ng ilegal na droga sa Port of Clark mula sa Estados Unidos noong Mayo 16.

Nang inspeksiyunin ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC), nadiskubreng may nakatagong mga imported na shabu sa loob ng pakete.

Kaagad namang nagkasa ng entrapment operation o ‘controlled delivery operation’ ang mga tauhan ng PDEA-Pampanga, PDEA Clark Inter Agency Interdiction Task Group, BOC Port of Clark, PDEA- Calabarzon, PDEA-National Capital Region, at Taguig City police laban sa consignee ng ilegal na droga.

Dito nila naaresto ang mga suspek sa Katurian Road, Samana II, Brgy. Napindan, Taguig City nitong Miyerkules ng gabi matapos na tanggapin ang pakete na may lamang apat na kilo ng imported na shabu, na nagkakahalaga ng mahigit sa P27 milyon.

Ang mga suspek ay dinala sa PDEA-Pampanga office at sasampahan ng kaso dahil sa importasyon ng mga ilegal na droga na paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with