^

Metro

Karambola ng 8 sasakyan sa Pasig: 1 patay, 1 sugatan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isa ang nasawi sa naganap na karambola ng walong sasakyan makaraang araruin ng isang trailer truck ang mga sasakyang nakahinto dahil sa trapik sa Ortigas Pasig City, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay nakilalang si Jhames Morga, 29, motor rider, ng Edsa South Triangle, Quezon City.

Sugatan ngunit nasa maayos nang kalagayan si Jonathan Joaquin, 31, Grab driver ng Brgy. Su­milang, Pasig City.

Sumuko naman at nakapiit na ang driver ng trailer truck na si Francis Figueroa, 42, ng Navotas City.

Batay sa ulat ng Pasig Traffic Division, dakong alas-8:15 ng gabi nang maganap ang aksidente sa pababang bahagi ng Ortigas Avenue, kanto ng E. Rodriguez Avenue (C-5 Road) sa Brgy. Ugong, Pasig City.

Kasalukuyan umanong binabaybay ni Figueroa, sakay ng trailer truck (WTD 477), ang Ortigas Avenue patu­ngong Rosario sa Pasig, upang magdeliber ng mga kargang perishable goods, nang pagsapit sa pababang bahagi ng kalsada, ay bigla na lang itong nawalan ng preno at kontrol sa manibela.

Dahil dito, inararo ng trailer truck ang tatlong sports utility vehicle (SUV), tatlong motorsiklo at isang bus na nasa unahan nito at kasalukuyang nakatigil dahil sa trapik.

Kaagad namang binawian ng buhay si Morga, na lulan ng itim na Yamaha Mio Sporty, matapos na makaladkad pa ng trailer truck.

Ang suspek, ay nakapiit na sa Pasig Traffic Division, at mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and multiple damage to property.

vuukle comment

PASIG

TRUCK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with