^

Metro

7 illegal e-sabong websites, naipasara na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na naipasara na nila ang pitong e-sabong websites na ilegal na nag-o-ope­rate, kasunod ng crackdown na ipinag-utos kamakailan ni DILG Secretary Eduardo Año.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, iniimbestigahan na rin ngayon ng Philippine National Police (PNP) Anti-Cyber Crime Group kung sinu-sino ang mga administrators ng mga nasabing websites upang masampahan ang mga ito ng kaukulang kaso.

Sinabi ni Malaya na nagsasagawa na rin ang PNP ng cyberpatrolling operations upang matunton ang iba pang websites, applications, at social media platforms na ilegal na nag-o-operate sa kabila nang direktiba ni Pang. Rodrigo Duterte.

“Another 12 websites and 8 social media platforms were monitored by the PNP Anti-CyberCrime Group to be operating illegally and we are coordinating with the Department of Information and Communication Technology (DICT) for these websites to be shut down,” aniya.

Sa nasabing 12 websites, dalawa lamang umano ang rehistrado sa Pilipinas habang ang iba pa ay matatagpuan sa ibang bansa.

May nadiskubre rin aniya silang ilang Facebook pages at mga grupo na nagpu-promote ng e-sabong at siyang magbibigay ng link, kung magpapadala ka ng mensahe sa kanila.

Kaugnay nito, sinabi ni Malaya na hiniling na nila sa Meta, ang parent company ng Facebook, na kaagad na burahin o suspindihin ang mga naturang FB pages na devoted sa e-sabong.

Ani Malaya, ang mga naturang illegal e-sabong outfits ay nag-o-operate ng walang lisensiya o prangkisa mula sa national o local governments at hindi nagre-remit ni pisong kita sa pamahalaan.

vuukle comment

DILG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with