^

Metro

DILG sa LGUs: ‘No CCTV, no business permit’ policy, ipasa

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
DILG sa LGUs: �No CCTV, no business permit� policy, ipasa
Ayon kay DILG Secretary Eduardo M. Año, na concurrent Chairperson ng National Peace and Order Council, ngayong bumabalik na ang mga mamamayan sa kanilang pre-pandemic ways, dapat na maging prayoridad ng mga local government units (LGUs) ang kaligtasan ng publiko.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Hinimok kahapon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lungsod at munisipalidad sa bansa na magpasa ng mga ordinansa hinggil sa pagpapatupad ng ‘No CCTV, no business permit policy.’

Ayon kay DILG Secretary Eduardo M. Año, na concurrent Chairperson ng National Peace and Order Council, ngayong bumabalik na ang mga mamamayan sa kanilang pre-pandemic ways, dapat na maging prayoridad ng mga local government units (LGUs) ang kaligtasan ng publiko.

Magiging malaking tulong aniya sa pagtiyak ng public safety, kung gaga­wing requirement ng mga LGUs ang instalasyon ng mga closed-circuit television (CCTV) systems, sa pagkuha ng business permits ng mga establisimento na mayroong malaking bilang ng mga kos­tumer, at yaong mga risk o hazard-prone.

“CCTVs are applicable technologies that should be utilized to keep criminal activities and their perpetrators at bay,” aniya pa.

“Ngayon ang tamang panahon para i-require ang mga negosyo na mag-install ng CCTV.  People are going out of their homes and in ­various establishments nowadays due to lower COVID-19 cases and a CCTV system is a powerful tool that can aid LGUs in ensuring public safety,  deterring crimes, and identifying and apprehen­ding culprits,” ayon pa kay Año.“Kailangang pangunahan ito ng LGU partikular ng kanilang Sanggunian sapagkat malaki ang ambag nito [CCTVs] sa laban natin kontra kriminalidad,” dagdag pa niya.

Sa pamamagitan ng DILG Memorandum Circular (MC) No. 2022-060, sinabi ni Año na kabilang sa mga establisimento na dapat na mayroong CCTVs ay yaong mga financial establishments gaya ng mga bangko, pawnshops, money lenders, at money remittance services at mga kahalintulad nito; mga business establishments na maraming sangay; shopping malls, shopping centers, supermarkets, wet markets; at, medical facilities gaya ng mga pagamutan, klinika, at laboratory.

Kasama rin ang mga places of entertainment gaya ng mga theaters, mo­vie houses, perya, internet cafes, arcades at iba pang lugar na nakahihikayat ng maraming kostumer; airports, public transportation terminals, parking lots at mga kahalintulad na establisimento na pinupuntahan ng maraming sasakyan, gaya ng car dealerships, gasoline stations, vehicle maintenance/service stations; at iba pang kahalintulad na establisimento na maaaring mangailangan ng CCTV cameras. 

vuukle comment

DILG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with