^

Metro

Danao nagbabala sa mga pulis na dawit sa ilegal na droga

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Danao nagbabala sa mga pulis na dawit sa ilegal na droga
Gen. Vicente Danao Jr.
The STAR / Joven Cagande, file

MANILA, Philippines — “Habang may pagkakataon tigilan na ang droga at magbago na kayo!”

Ito ang babala ni Philippine National Police (PNP) officer-in-charge Lt. Gen. Vicente Danao Jr. sa mga pulis  na hanggang sa ngayon ay sangkot pa rin sa illegal drugs trade..

Ayon kay Danao, may impormasyon sila na may mga pulis na hanggang sa ngayon ay hindi tumigil sa operasyon ng  ilegal na droga.  

“I would like to address this to the men in uniform of the PNP.  Meron pa rin sa atin, mangilan-ngilan, I’m giving you stern warning, nakiki-usap ako sa inyo, please put a stop to these illegal drugs menace,” ani Danao sa flag ceremony sa PNP headquarters sa Camp Crame, Quezon City nitong Lunes.

Sinabi ni Danao na hindi siya titigil hangga’t hindi nasasakote ang mga pulis na hindi tumitigil sa kanilang ilegal na gawain. Aniya, makuha man niya o hindi ng kanyang ikaapat na ‘estrelya’, tuloy pa rin ng kanyang maigting na kampanya laban sa illlegal drugs.

Sa press briefing pagkatapos ng kanyang flag ceremony speech, ipinaliwanag ni Danao na ang kanyang mensahe ay base sa unvalidated reports ukol sa mga pulis na sangkot pa rin sa ilegal na droga.

Dagdag pa ni Danao, ang kanyang babala ay sa lahat ng tauhan ng PNP, opisyal man o baguhang pulis.

vuukle comment

VICENTE DANAO JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with