Drug den sa Parañaque, ni-raid: 6 timbog, P400K droga nasabat
MANILA, Philippines — Nalansag ang isang drug den at nasamsam ang mahigit sa P400,000.00 halaga ng shabu sa anim na indibiduwal, sa isinagawang drug bust operation, sa Parañaque City, Linggo ng gabi.
Kinilala ni Southern Police District (SPD) Director P/Brig. General Jimili Macaraeg ang mga suspek na sina Datupuwa Kanapia Datumantang, kabilang sa high value individual bilang drug pusher, 32; Babydhats Kaliman Midtimbang, nasa HVI at mainainer ng drug den, 31; Frederick Bautista Montilla, street level individual pusher, 23; Alfredo Cinco Montilla, SLI Pusher, 67; Sarah Jane Lumabao Alon, SLI pusher, 27; at Nadeen Junio Pedragosa, SLI Pusher, 25.
Dakong alas-9:20 ng gabi ng isagawa ang operasyon sa Ninoy Aquino Avenue, Barangay San Dionisio, Parañaque City na pinagkutaan ng mga nadakip na suspect na doon isinasagawa ang kanilang operasyon sa ilegal na droga. Nasa 60 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ?408, 000.00 ang nasabat ng mga awtoridad.
Nahaharap ang anim sa paglabag sa Sections 5, 6 at 11 sa ilalim ng Article II ng Republic Act RA 9165.
- Latest