^

Metro

Lockdown ngayong tag-ulan, nakaamba

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Lockdown ngayong tag-ulan, nakaamba
Sinabi ni PMA President Benny Atienza na ngayong tag-ulan karaniwan na tinatamaan din ang publiko ng mga normal na sipon at ubo dahil sa pagbabago ng panahon kaya halos hindi na madedetermina kung ang isang tao ay may COVID-19 o wala.
Freeman Photo

Sa ‘di na pagsunod ng publiko sa COVID-19 protocols

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Philippine Medical Association (PMA) sa mga Pilipino na maaaring magpatupad muli ng lockdown ang pamahalaan ngayong panahon ng tag-ulan kung marami ang hindi susunod sa ipinatutupad na ‘health protocols’ kasunod ng pagkakatuklas na sa bansa ng mga subva­riants ng COVID-19.

Sinabi ni PMA President Benny Atienza na ngayong tag-ulan karaniwan na tinatamaan din ang publiko ng mga normal na sipon at ubo dahil sa pagbabago ng panahon kaya halos hindi na madedetermina kung ang isang tao ay may COVID-19 o wala.

“Huwag [maging] kumpiyansa at nasa ating mga sarili ang ika-aano po natin, kung paano kakalat iyan,” ayon kay Atienza. “Sana hindi na po maulit iyong surge, kasi napakahirap po. Huwag na po nating hintayin iyong ma-lockdown na naman tayo,” giit niya.

Kahit umano tag-ulan­, kailangan pa rin ang palagiang pagsusuot ng face mask sa eksakto sa mukha, paghuhugas ng kamay, maayos na bentilasyon sa mga lugar na pinupuntahan at huwag makipagsiksikan.

“Lalo po ngayon, tag-ulan, hindi natin ma-differentiate kung ano iyong Covid at saka alin po iyong mga may trangkaso kasi, tag-ulan na po ngayon,” giit niya.

Kung may nararamdaman, dapat agad na magpatingin sa manggagamot at huwag umasa na ordinasyong ubo, sipon o lagnat lang ang nararam­daman para makatiyak sa kaligtasan maging ng mga kapamilya.

Sa kasalukuyan, nakatukoy na ang pamahalaan ng mga kaso ng Omicron subvariants BA.2.12, BA.2.12.1, at BA.4. Ang mga variants na ito na bagama’t mas mahina ang sintomas ay higit na nakakahawa kaysa sa orihinal na Omicron variant at orihinal na COVID-19 virus.

 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with