^

Metro

2 wanted na Koreano, arestado sa Las Piñas City

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang puganteng Koreano ang nasakote ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa isinagawang operasyon sa lungsod ng Las Piñas  nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang mga nasakoteng suspect na sina Seol Kwangsu, 33 at Han Haneul, 28.

Ayon kay PNP Officer-in-Charge P/Lt. Gen. Vicente Danao Jr., ang dalawang puganteng mga dayuhan ay nasakote ng mga elemento ng PNP-CIDG Anti –Transnational Crime Unit (ATCU) sa pakikipagkoordinasyon sa Korean Desk and Fugitive Search Unit ng Bureau of Immigration (BI)sa ikinasang operasyon sa Brgy. Almanza Dos ng lungsod bandang alas-9:40 ng gabi.

Bago ang operasyon ay nakatanggap ng report ang mga intelligence operatives ng PNP hinggil sa umano’y presensya sa lugar ng dalawang dayuhang wanted.

Sinabi ng opisyal na ang dalawang Koreano ay kapwa nasa International Police Red Notice kaugnay ng krimen na nagawa ng mga ito sa kanilang bansa.

“The arrested Koreans are under the custody of the Bureau of Immigration for proper disposition. This was made through an implementation of an arrest warrest against these two suspects,” pahayag ni Danao .

Kaugnay nito, pinasalamatan naman ni Danao ang BI sa aktibong operational partnership nito sa PNP na nagresulta sa matagumpay na pagkakabitag sa dalawang puganteng dayuhan na nagtatago sa bansa.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with