^

Metro

Comelec nagbabala sa mga kumandidato: SOCE, ‘wag dayain

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Comelec nagbabala sa mga kumandidato: SOCE, �wag dayain
This file photo shows the Commission on Elections headquarters in Manila.
Philstar.com / AJ Bolando, file

MANILA, Philippines — Binalaan ng Commission on Elections (Comelec) ang lahat ng kandidato na tumakbo nitong nakaraang May 9 elections na huwag doktorin ang isusumite nilang ‘Statement of Campaign Expenditures’ (SOCE) dahil sa may katumbas itong mabigat na parusa sa oras na mapatunayan.

Sa press briefing kahapon, nagpaalala rin si Comelec spokesperson John Rex Laudiangco sa mga kandidato at partidong politikal na kailangang maisumite ang kanilang SOCE may 30 araw matapos ang halalan o sa Hunyo 8 na.

“Ipinapaalala namin sa inyo, may karampatan na administrative penalties kapag ‘di nakapag-file ng SOCE on time, lalong-lalo na sa dalawang beses nang ‘di nakakapag-file,” saad ni Laudiangco, na sinabing maaa­ring maparusahan ang politiko ng ‘perpetual disqualification’ base sa Republic Act 7166.

“Huwag n’yo nang balakin na doktorin o dayain dahil sa ini-eksamin ng aming campaign finance officer ang mga resibo ng pinagkagastusan. Ang resibo na sina-submit sa amin we are able to verify the statement sa SOCE at actual na gastos na nakikita namin,” dagdag pa ng opisyal.

Lahat umano ng SOCE ay naka-notaryo at sa ilalim ng batas, kapag nagsinungaling at nandaya ay kakasuhan ng perjury at administrative pe­nalty naman kapag dalawang beses na hindi nakapagsu­mite ng SOCE.

Sinabi pa ni Laudiangco na marami na silang naparusahan ng ‘perpetual disqualification’ dahil sa hindi pagsusumite at pandaraya sa kanilang SOCE kaya huwag umano nilang subukan ang Comelec.

Sa ilalim pa ng batas, ang isang kandidato sa pagka-presidente at bise-presidente ay dapat gumastos lamang ng P10 kada botante, P3 naman sa ibang kandidato sa nasyunal na posisyon na may kinabibilangang partido at P5 sa mga independent. Ang mga political parties ay binibigyan din ng hiwalay na P5 kada botante.

Para sa mga tumatakbo sa lokal na posisyon, maaa­ring gumastos ang mga may partido ng P3 kada botante sa kanilang nasasakupang lugar at P5 sa mga indepen­dent candidates.

vuukle comment

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with