^

Metro

7 e-sabong sites na nag-operate kahit may ban, natukoy na – DILG

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Natukoy na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pitong e-sabong sites na nag-o-operate sa kabila ng ban na ipinag-utos ni Pang. Duterte laban dito.

Ayon kay DILG spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya, ang mga ito ay pawang wala umanong prangkisa mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Sinamantala aniya ng mga naturang ilegal na e-sabong sites ang kautusan ng pangulo at saka ilegal na nag-operate ang mga ito.

“Ang nangyari noong ipinagbawal ng ating Pangulo ang e-sabong, nagsara naman ‘yung mga PAGCOR-franchised e-sabong operators at pumasok itong mga illegal na e-sabong operations,” ayon kay Malaya sa panayam sa telebisyon.

“Na-identify na po namin itong pito, pitong websites na operating illegally,” aniya pa.

Ani Malaya, inatasan na ni DILG Secretary Eduardo Año ang Philippine National Police (PNP) Directorate for Operations at Anti-Cybercrime Group na magsagawa ng imbestigasyon hinggil dito.

Nakipag-coordinate na rin aniya si Año sa National Bureau of Investigation (NBI) hinggil dito.

Una nang sinabi ni PNP spokesperson PCOL Jean Fajardo na nagsasagawa na ng case buildup ang kanilang cybercrime units laban sa mga naturang illegal e-sabong sites.

Hiniling na rin aniya nila sa social media providers na alisin ang mga naturang concerned sites.

Matatandaang ipinatigil na ni Pang. Duterte ang operasyon ng e-sabong kasunod ng pagkawala ng may 34 na sabungero.

vuukle comment

DILG

SABONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with