^

Metro

Mga bakunado sa Quezon City, mahigit 2.4 milyon na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mga bakunado sa Quezon City, mahigit 2.4 milyon na
A resident receives a BioNtech Pfizer Covid-19 jab as a booster, at a vaccination center in Quezon city on January 27, 2022, amidst rising covid-19 infections in the capital driven by Omicron variant.
AFP / Maria Tan

MANILA, Philippines — Umaabot na sa mahigit 2.4 milyon ang mga indibiduwal na fully vaccinated na laban sa COVID-19 sa Quezon City.

Ayon sa Quezon City go­vernment, nasa 2,255,719 na adult residents at workers naman sa QC ang nabakunahan na rin ng isang dose ng vaccine.

Anang lokal na pamahalaan, patuloy rin ang pagbabakuna sa minors with or without comorbidity.

Sa kasalukuyan ay nasa 336,587 na rin ang mga batang nabakunahan sa programa ng lokal na pamahalaan habang nasa 835,283 naman ang nabigyan ng booster shot.

“Sa kabuuan, 5,746,972 doses ng bakuna ang naiturok ng ating #QCProtekTODO Vaccination Program sa tulong ng ating healthcare workers, staff at volunteers!” anang lokal na pamahalaan.

Muli rin naman nitong hinikayat ang mga QCitizens na magrehistro na sa QC Vax Easy upang makatanggap ng schedule ng pagbabakuna.

Maaari anilang bisitahin ng mga ito ang https://qceservices.quezoncity.gov.ph/qcvaxeasy at abangan ang iba pang anunsyo dito sa kanilang Facebook page o bisitahin ang https://qcprotektodo.ph para sa iba pang detalye ng vaccination ­program.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with