^

Metro

13.1 milyong pasahero na ang nakinabang ng libreng sakay sa MRT-3

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
13.1 milyong pasahero na ang nakinabang ng libreng sakay sa MRT-3
Commuters queue for the free ride at the MRT-3 North Avenue Station in Quezon City on Monday morning (March 28, 2022). The MRT-3 offers free rides to commuters for a month, starting March 28 to April 30, following the completion of the rehabilitation project of the train system and as part of the government’s effort to help ease the commuters' financial burden.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Umaabot na sa mahigit 13.1 milyon ang mga pasaherong napagserbisyuhan ng libreng sakay program ng Department of Transportation-Metro Rail Transit Line 3 (DOTr-MRT-3).

Batay sa inilabas na advisory, sinabi ng DOTr-MRT-3 na mula Marso 28 hanggang Mayo 16, umabot na sa kabuuang 13,150,386 ang mga pasaherong kanilang naisakay ng libre sa kanilang mga tren.

Matatandaang sa unang buwan ng naturang libreng sakay, mula Marso 28 hanggang Abril 30, 2022, nasa kabuuang 8,472,637 pasahero ang napagserbisyuhan ng linya.

Nadagdagan naman ang bilang na ito ng 4,677,749 na pasahero na nakatanggap ng libreng sakay mula noong Mayo 1 hanggang 16.

Ayon sa DOTr-MRT-3, layunin ng libreng sakay ng MRT-3 na maipakita sa publiko ang mas pinagandang serbisyo ng linya na bunga ng pagtatapos ng malawakang rehabilitasyon nito.

Nais din umano nilang makatulong sa mga gastusin ng mga pasahero sa gitna ng mataas na presyo ng mga bilihin at pagtaas ng mga produktong petrolyo.

Dapat sana ay hanggang Abril 30 lamang tatagal ang naturang free ride ngunit malaunan ay nagpasya ang DOTr at MRT-3 na palawigin pa ito ng hanggang Mayo 30 upang mas maraming pasahero ang mapagserbisyuhan ng MRT-3.

“Sa implementasyon ng LIBRENG SAKAY, nagsi­mula ring magpatakbo ang pamunuan ng MRT-3 ng mga 4-car CKD train sets sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng linya. Nakatutulong ang pagde-deploy ng mga 4-car CKD train sets sa pagpapataas ng kapasidad ng MRT-3. Sa kasalukuyan, nasa 18 hanggang 20 3-car CKD train sets at hanggang apat (4) na 4-car CKD train sets ang umaarangkada sa mainline,” anang DOTr-MRT3.

Nabatid na ang isang train car o bagon ay kayang makapagsakay ng 394 na pasahero, o 1,186 na pasahero kada 3-car train set. Ang 4-car train set ay kayang makapagsakay ng 1,576 na pasahero.

Ang MRT-3 ay bumabagtas sa kahabaan ng EDSA mula North Avenue, Quezon City hanggan Taft Avenue, sa Pasay City.

vuukle comment

MRT3

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with