HVT na ‘tulak’ , arestado
MANILA, Philippines — Nadakip ng mga tauhan ng Southern Police District (SPD) ang isang lalaki na itinuturing na ‘high value target’ makaraang masakote sa kaniya ang nasa P.7 milyong halaga ng hinihinalang shabu nitong Lunes ng madaling araw sa Parañaque City.
Kinilala ni SPD Director, P/BGen Jimili Macaraeg ang nadakip na si Alonto David, 22, nakatira sa Brgy. La Huerta, Paranaque City.
Dinakip ng mga tauhan ng SPD-Drug Enforcement Unit ang suspek dakong ala-1:20 ng madaling araw sa may Dasa Dasa Road, Irasan, Brgy. San Dionisio, ng naturang lungsod sa ikinasang buy-bust operation.
Nasabat sa suspek ang nasa 100 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P680,000 habang narekober ang P1,000 marked money na isinama sa 24 na boodle money na ginamit sa buy-bust.
Nakaditine ngayon sa Custodial Facility ng Parañaque City Police Station ang suspek habang isasailalim sa chemical analysis ng SPD forensic Unit ang mga nakumpiskang ebidensya.
- Latest