^

Metro

Transition team ng DOH nabuo na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Transition team ng DOH nabuo na
“Well, nagpalabas na po ang Office of the President ng administrative order kung saan kailangan ang lahat ng ahensiya ay makapagbuo nitong transition team. So, amin na pong nabuo ang transition team ng DOH,” saad kahapon ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
PIA image

MANILA, Philippines — Nabuo na ng Department of Health (DOH) ang kanilang ‘transition team’ para sa maayos na pagpapasa ng ahensya kabilang ang mga programa nito ukol sa COVID-19 pandemic ­response, sa susunod na hahawak ng kagawaran ng papalit na administrasyon.

“Well, nagpalabas na po ang Office of the President ng administrative order kung saan kailangan ang lahat ng ahensiya ay makapagbuo nitong transition team. So, amin na pong nabuo ang transition team ng DOH,” saad kahapon ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Magkakaroon umano sila ng pagpupulong sa papalit na mga opis­yales para mailahad ang mga prayoridad na programa ng DOH. Ito ay upang mabigyan ang susunod na administrasyon ng datos at impormasyon para naman sa pagpapatupad ng sarili nilang programa at mga polisiya.

Samantala, nakatutok pa rin ang DOH na maabot ang 77 milyong ‘fully-vaccinated’ na Pilipino sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa katapusan ng Hunyo.

Ang naturang bilang ay 85% ng 90 milyong ‘eligible population’ ng bansa na maaaring tumanggap ng bakuna. Nasa 68.5 mil­yong Pilipino na umano ang ‘fully-vaccinated’ sa kasalukuyan at optimistiko sila na maaabot ang 77 milyon.

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with