^

Metro

Nagwaging 12 senador, party-lists ipoproklama na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Nagwaging 12 senador, party-lists ipoproklama na
The Commission on Elections, sitting as the national board of canvassers, suspends its proceedings at the Philippine International Convention Center in Pasay City on May 9, 2022.
Philstar.com / Kaycee Valmonte

MANILA, Philippines — Itinakda sa Miyerkules, Mayo 18 ang proklamasyon ng mga nagwaging 12 kandidato sa pagka-Senador at mga party-list representatives sa katatapos na May 9 elections, ayon sa Commission on Elections (Comelec) kahapon.

Sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia, na kung matatapos nilang bilangin nitong Linggo ang lahat ng natitirang Certificates of Canvass (COCs) ay maisasagawa na nila ang paghahanda para sa proklamasyon ng mga nanalong kandidato ngayong Lunes at ang aktuwal na proklamasyon bukas ng Martes sa Phi­lippine International Convention Center (PICC).

Nasa 149 mula sa kabuuang 173 COCs ang natapos nang i-canvass ng National Board of Canvassers (NBOC) nitong Sabado.

Ang natitira pang 24 na COCs ay binubuo umano ng 19 manual overseas COCs, isang manual COC mula sa Vulnerable Sector Office, isang manual COC mula sa 63 barangays, isang electronic COC mula sa Lanao del Sur, isang electronic overseas COC mula sa Hong Kong, at isang electronic COC mula sa Jordan.

Nilinaw naman ni Garcia na magdaraos pa ang Lanao del Sur ng isang special election na target sa Mayo 24, matapos na magkaroon ng failure of elections sa 14 barangays doon.

Hindi naman na makakaapekto ang bilang mula sa lalawigan sa mga boto ng mga kandidato kaya’t maaari na nilang maiproklama ang 12 nanalong senador at  mga party-list groups.

“Anytime sa pagtingin namin ay sapat na ‘yung bilang ng mga boto na nakuha ng mga kandidato at hindi na makakaapekto ‘yung mga natitirang result kahit na hindi pa napapadala ang COC, puwede po kaming magkaroon ng proklamasyon kasama ‘yung party-list,” paliwanag pa ni Garcia.

vuukle comment

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with