^

Metro

Mayor Joy, maraming reporma sa QCitizens

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mas ibayong pagbabago at  reporma para sa QCitizens ang pangako ni Quezon City Mayor-elect Joy Belmonte bilang pasasalamat sa mga residente sa pagbibigay sa kanya ng ikalawang pagkakataon na maglingkod.

Sa kanyang mensahe ng pasasalamat, nangako si Belmonte na “mas pinaigting na serbisyo” ang manggagaling sa pamahalaang lungsod.

“Buong pagpapakumbaba po akong nagpapasalamat sa ating mga QCitizens sa pagbibigay muli ng tiwala at suporta sa ating nasimulang pagbabago,” ang pahayag ng Mayora.

Aniya, ang kanyang mga botong natamo ay “malinaw na patunay” na nararamdaman ng mga QCitizens ang mga programa at mga proyekto ng kanyang administrasyon sa nakalipas na tatlong taon.

“Ngayong pinagkatiwalaan ninyo ako na muling pangunahan ang Quezon City sa susunod na tatlong taon, asahan ninyo ang mas pinaigting na serbisyo mula sa inyong pamahalaang lungsod. Patuloy na­ting isasaayos ang mga luma at baluktot na Sistema. Sa abot ng ating makakaya paglilingkuran natin ang lahat ng QCitizens sinoman ang kanilang ibinoto ngayong halalan,” ani Belmonte.

Dagdag pa niya hihigitan nila ang mga nagawa na, sa tulong ng kanyang mga Kasama sa partidong Serbisyo sa Bayan Party (SBP) sa pangunguna ni Vice Mayor Gian Sotto, mga Kongresista at mga Konsehal.

“Tinitiyak ko na sa aming pagtutulungan, kasama ang bawat QCitizens sa pag-unlad. At sa ating pagkakaisa, patuloy na aangat ang ating mahal na lungsod. Muli marami pong salamat sa tiwala” dagdag pa ni Belmonte.

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with