^

Metro

Tandem na holdaper, timbog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahil sa pagmamaneho ng motorsiklo na walang plaka, nasakote ng mga pulis nitong kamakalawa ng madaling araw ang dalawang lalaki na itinuturong ‘riding-in-tandem’ na mga holdaper na nambibiktima sa bisinidad ng Malate, Maynila.

Kinilala ang mga naaresto na sina Daniel Duallo, 44 at Ferdinand Guevarra, 24, kapwa nakatira sa Tubera St, Tondo.

Sa ulat ng Manila Police District-Theft and Robbery Section, madaling araw nang masita ng mga pulis ang mga suspek habang paikot-ikot sa Malate district lulan ng isang motorsiklo na walang plaka.  Dahil sa mga ulat ng holdapan na kagagawan ng riding-in-tandem, sinita ng mga pulis ang mga suspek at dinala sa presinto.

Dito nadiskubre na ang mga suspek ang itinuturo ng isang Jerome Janer, na tumangay ng kaniyang cellular phone habang naglalakad sa may Malvar Street, Malate nitong Huwebes ng madaling araw.  Positibong kinilala ni Janer ang mga suspek na tumanggi sa akusasyon sa kanila.

Sa kabila nito, tuloy ang pagsasampa ng kasong Robbery Hold-up sa dalawang suspek sa Manila City Prosectors Office.

vuukle comment

SUSPEK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with