^

Metro

Hawaan sa COVID-19 sa NCR dumausdos pa, pero ‘di pa ready sa Alert level 2

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Hawaan sa COVID-19 sa NCR dumausdos pa, pero �di pa ready sa Alert level 2
A health worker attends to patients at the Manila Manila COVID-19 field hospital at Quirino Grandstand on Thursday, January 13, 2022. The National Capital Region (NCR) is experiencing a "severe outbreak" as its COVID-19 average daily attack rate climbs to 111.80, OCTA Research said Thursday.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Dumausdos pa sa 0.63 ang COVID-19 reproduction rate sa National Capital Region (NCR) na inaasahan pang lalong bababa pagsapit ng Pebrero, ayon sa OCTA Research Group.

Sinabi ni OCTA Fellow Dr. Guido David na nakikita nila na aabot na lamang sa mas mababa sa 500 ang arawang bagong kaso sa NCR pagsapit ng Pebrero 14.

Sa kabila nito, naniniwala naman si Dr. Maricar Limpin ng Philippine College of Physicians, na hindi pa handa ang Metro Manila sa Alert Level 2 sa Pebrero.

Naniniwala siya na sa kabila ng pagbaba ng mga kaso, hindi aktuwal na nasusukat ang totoong dami ng kaso sa rehiyon dahil sa marami sa mga infected ang ayaw magpa-test.

Maaari umano na maglabas na ng desisyon ang gobyerno pagsapit ng kalagitnaan ng Pebrero kung ibaba na ang alert level sa Level 2 sa NCR.

Sa kabila nito, inamin naman niya na nakaka­hinga na ngayon ang healthcare ng Metro Manila dahil sa mas mababang kaso. Nakakatugon na ngayon ang mga healthcare wor­kers sa mga pasyente na may ibang mga sakit.

Nakabalik na rin ang mga HCWs na dating nahawa ng virus makaraang gumaling at ibaba ng Department of Health (DOH) ang araw ng kanilang isolation lalo na sa mga ‘asymptomatic’ lamang.— Angie dela Cruz

vuukle comment

NCR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with