^

Metro

Higit P26 milyong shabu nasabat sa hiwalay na drug ops

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Higit P26 milyong shabu nasabat sa hiwalay na drug ops
Sa caloocan, umaabot sa P13.6 milyon halaga ng ilegal na droga ang nasabat ng mga tauhan ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) mula sa isang babaeng ‘tulak’ sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa ng hapon.
STAR / File

MANILA, Philippines — Mahigit sa P26 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa magkahiwalay na drug operation na isinagawa sa Caloocan City at Makati City.

Sa caloocan, umaabot sa P13.6 milyon halaga ng ilegal na droga ang nasabat ng mga tauhan ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG)  mula sa isang babaeng ‘tulak’ sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni PDEG Director BGen. Remus Medina ang suspek na si Janesa Cabardo Canoy, alyas Jane, at residente ng Sandico St., Tondo, Manila.

Batay sa imbestigasyon, dakong alas-4:30 ng hapon nang magsagawa  ng buy-bust operation sa Langit Road Corner Crusher Street, Phase 9, Package 7C, Bagong Silang, Caloocan City na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Nakumpiska sa suspek ang tinatayang nasa 2 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P13,600,000.

Ani  Medina,  matagal na nilang minamanmanan ang nasabing drug suspek base na rin sa kanilang impormasyon.

Samantala, mahigit din sa P13 milyong halaga ng shabu ang nasamsam naman sa isang 21-anyos na lalaki sa isinagawang operasyon sa Makati City, kamakalawa.

Nakilala  ang suspek na si  Aldren Mariscal, residente ng Pasay City.

Dakong alas-5:37 ng hapon nang maganap ang pag-aresto kay Mariscal sa Evangelista Street corner Arnaiz Ave. Brgy. Bangkal, ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit  at  Station Investigation Section. Narekober ang ginamit na buy-bust money sa suspek at 2,0000 gramo ng shabu na may standard drug price na ?13,600,000.00  nakasilid sa plastik na may markang ‘Ninja van’.  — Ludy Bermudo

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with