NCR COVID-19 reproduction number, bumaba pa sa 0.91 - OCTA
MANILA, Philippines — Bumaba pa sa 0.91 na lamang ang COVID-19 reproduction number ng National Capital Region (NCR).
Sa kanyang Twitter account, sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na ito ay kumpirmasyong nasa downward trend na ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa rehiyon, gayundin ang mga aktibong kaso nito.
Ang reproduction number ay yaong bilang ng mga taong maaaring mahawaan ng sakit ng isang pasyente at kung mas mababa ito sa 1, ito ay indikasyon nang pagbagal ng hawaan ng virus.
Sinabi ni David na ang pagbaba sa less than 1 ng reproduction number ng COVID-19 sa NCR, ay naitala noong Enero 21, 2022. Ito aniya ang unang pagkakataon na umabot ito sa less then 1, simula noong Disyembre 23, 2021.
Iniulat din niya na ang COVID-19 reproduction number sa NCR ay pumalo pa nga sa 6 noong Enero 2.
Bagama’t ang pagbaba ng reproduction number ay isang magandang balita.
Gayunman, pinayuhan niya ang mga mamamayan na patuloy pa ring mag-ingat at tumalima sa umiiral na health protocols upang maiwasan ang reversal ng trend o pagbilis muli ng hawaan ng virus.
“NCR reproduction number down to 0.91 for the first time 12.23.21. While this is good news and confirms a downward trend not just in new cases but also in active cases, we have to continue [to] follow health protocols to prevent a reversal of the trend,” ani David.
Sinabi rin ni David na gumagamit siya ng time varying reproduction number Rt simula pa noong 2020 upang imodelo ang epekto ng controls at interventions ng hawaan ng COVID-19.
- Latest