^

Metro

Defensor kinutya, naging ‘katawa-tawa’ sa mga maling paratang sa Quezon City

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Defensor kinutya, naging �katawa-tawa� sa mga maling paratang sa Quezon City
File photo shows Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor.
Anakalusugan Party-list Facebook Page

MANILA, Philippines — Naging ‘katawa-tawa’ at mistulang nag-backfire lamang kay Anak Kalusugan Party List Mike Defensor ang mga maling paratang na binitiwan nito laban sa Quezon City  government kamakailan, ayon kay City Spokesperson Pia Morato.

Nauna rito, naglabas ng pahayag kamakailan sa media si Defensor at sinabing kinukwestiyon ng Commission on Audit (COA) ang validity ng ?479 milyong halaga ng pandemic procurements ng lokal na pamahalaan.

Anang mambabatas, sinabi rin umano ng komis­yon na ang city government ay lumabag sa Procurement Law at mga implementing regulations nito.

Binanggit pa ng mambabatas na ito ay base sa pinakabagong COA report, na kaka-post lang sa website ng COA.

Ayon kay Morato na kung bibisitahin ang website ng COA ay wala namang makikitang bagong post o report hinggil dito.

Sa katunayan aniya, ang mga alegasyon ni Defensor ay batay sa report na naka-post sa website ng COA noong Hulyo 2021 pa. Ito aniya ay “partial section,” o maliit na bahagi lamang, ng year-end audit report ng Quezon City para sa taong 2020.

“Palagay ko ay panahon na para kumuha ng mas mahusay na researcher at PR team ang panig nila Defensor,” ayon pa kay Morato.

Ipinaliwanag rin ni Morato na noong ipinadala nila ang kanilang statement sa media, nag-research ang mga reporter at editor para alamin kung totoo nga ba ang mga paratang ng kampo ni Defensor.

Dito umano nila nakita na galing pala ito sa ­year-end COA report kung saan iginawad pa nga sa Quezon City ang pinakamataas na audit rating sa buong kasaysayan ng lugar.

“Ang intensyon nila ay sirain ang reputasyon ng QC LGU, pero kabaliktaran pa ang nangyari,” ani Morato.

Nabatid na mayroong 42-pahinang buong COA report, ngunit ang mga bintang ni Defensor ay kinuha lamang sa tatlong pahina nito.

Ang umano’y pagkuwestyon ng validity ng ?479 milyon para sa pandemic procurements ay wala rin sa nasabing report, ngunit may payo lamang ang COA na dapat makumpleto ng QC ang mga requirement upang mapag-aralan ito ng ahensya.

Ipinahayag pa ni Morato na sa loob ng ilang linggo lamang, naipasa na ng QC LGU ang lahat ng suppor­ting documents kaugnay ng naturang procurements.

“Dahil sobrang nasiyahan ang COA sa aming paperwork at transparency, binigyan pa nila kami ng highest unqualified opinion para sa buong taon,” pagmamalaki pa ni Morato.

“Mukhang masyado nang matagal sa loob ng bahay si Cong. Defensor, kaya ata siya nalilito. 2022 na, ‘wag na tayo mag-imbento at gumawa ng mga kwentong minero, lalo na tungkol sa mga bagay na nangyari noong 2020 pa,” pagtatapos pa niya.

vuukle comment

PIA MORATO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with