^

Metro

Bakunahan sa PITX, nagsimula na

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umarangkada na kahapon ang bakunahan sa  Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa ilalim ng “We Vax As One: Mobile Vaccination Drive” na nagsimula alas- 8:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali.

Ang programa ay mula sa Department of Transportation (DOTr) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Kahapon nang simulan ang programa sa target na magbakuna ng hanggang 500 indibidwal. Tatagal ito hanggang sa Enero 28, 2022.

Sa mga nais magpabakuna, pwede nang dumiretso sa ikalawang palapag ng Gate 4 landport ng PITX building dahil pwede naman aniya, ang walk-in at hindi na kailangan ang pre-registration, kungdi dun na mismo magbibigay ng form para sa pagrerehistro.

Sa mga magtutungo para sa bakuna, kailangang dalhin ang vaccination card at valid ID.

AstraZeneca aniya, ang available para sa booster shots, o kahit sa first at second dose.

Matatandaang noong July 2021 ay nagsagawa rin ng kaparehong aktibidad ang DOTr sa naturang terminal.

Samantala, sinabi ni Jason Salvador, tagapagsalita ng PITX, na ipatutupad din ng PITX ang kautusan ni DOTr Secretary Art Tugade na “no vaccination, no ride/no entry” policy sa National Capital Region (NCR).

Samantala, plano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na madag­dagan pa ang vaccination sites sa ilang lugar  at strategic locations gaya ng mga istasyon ng tren at paliparan, maging sa labas ng  Metro Manila, upang mas palakasin ang pagsisikap ng gobyerno na makapagbakuna kabilang ang pagbibigay ng booster shots.

vuukle comment

PITX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with