^

Metro

Magkapatid arestado sa P5.1 milyong ecstasy

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Magkapatid arestado sa P5.1 milyong ecstasy
Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang mga naarestong suspek na sina Jennica Abas alias “Evelyn Sotto” at kapatid niyang si Genevie; kapwa ng 66 Agno St., Brgy. Tatalon, Quezon City.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Naaresto sa joint ­operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang babae na magkapatid matapos na makum­piskahan ng mga party drugs na nagkakahalaga ng mahigit P5 milyon sa ikinasang controlled delivery operations sa Tandang Sora, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang mga naarestong suspek na sina Jennica Abas alias “Evelyn Sotto” at kapatid niyang si Genevie; kapwa ng 66 Agno St., Brgy. Tatalon, Quezon City.

Batay sa ulat, dakong alas-6:00 ng gabi nang isagawa ang operasyon ng may 3,034 piraso ng MDMA o ecstasy na nasa P5,157, 800 ang halaga, sa bahagi ng Philand Drive, Pasong Tamo, Tandang Sora, ng pinagsanib na elemento ng PDEA-Regional Office 3, PDEA-Clark Inter Agency Drug Interdiction Task Group, PDEA-Zambales, RSET, PDEA-National Capital Region, QCDO, Talipapa Police Station 3 at Pasong Tamo Police Station 14 ng Quezon City Police District (QCPD), at Bureau of Customs (BOC) sa Port of Clark.

Nauna rito, nakatanggap ng impormasyon ang PDEA-ICFAS mula sa Shenzen Chinese Customs hinggil sa isang package mula sa Zaandam, Netherlands na maaaring naglalaman ng mga ilegal na droga, at darating sa Port of Clark.

Ang pakete na idineklarang naglalaman ng “solar lights for home use” at naka-address sa QC ay dumating noong Enero 20, 2022. Kaagad itong pinigil ng mga awtoridad at isinailalim sa X-ray scanning habang ang K9 sniffing unit ng PDEA ay nakakita ng indikasyon na posibleng may laman nga itong ilegal na droga.

Nang isailalim sa physical examination, nadiskubre ang tatlong piraso ng solar lights at heating cushion, anim na plastic pouches na may 10 gramo ng pira-pirasong blue at pink tablets, na kalaunan ay nakumpirmang mga ­ecstasy.  Nakabalot ang mga ito ng duct tape na itinago sa linings ng kahon.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with