Bodega sa Maynila ni-raid:P150 milyong COVID-19 test kits samsam, Chinese huli
MANILA, Philippines — Nakumpiska ang tinatayang ?150 milyong halaga ng mga pekeng COVID-19 antigen test kits, LianHua Chinese medicines, counterfeit face masks, at copyright-infringed branded goods sa isang bodega sa Maynila na pag-aari ng isang Chinese national matapos ang isinagawang pagsalakay ng mga awtoridad sa pangunguna ng Bureau of Customs (BOC) kamakailan.
Ang operasyon ay kasunod ng pagpapatupad ng grupo na binubuo ng mga miyembro ng Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS-MICP), National Bureau of Investigation-Special Action Unit (NBI-SAU), at Philippine Coast Guard (PCG), ng Letter of Authority (LOA) with Mission Order na inisyu at nilagdaan ni Customs Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero.
Ayon kay CIIS-MICP chief Alvin Enciso, bago ang implementasyon ng LOA ay nakipag-koordinasyon muna sila sa mga lokal na barangay at Philippine National Police (PNP).
Pagdating sa storage facility na matatagpuan sa 555 Carlos Palanca, San Miguel, Manila City, ipinaliwanag ng grupo ang probisyon at layunin ng LOA sa building administrator.
Sa pag-iinspeksiyon ng grupo, natuklasan na ang bodega ay naglalaman ng ?150 milyong halaga ng libu-libong Clungene COVID-19 antigen test kits, counterfeit LianHua Chinese herbal medicines, at mga pekeng 3M N95 face masks.
Nakadiskubre rin ang grupo ng intellectual property rights (IPR) ang mga infringed goods gaya ng mga branded apparel at bags, wallets, phone accessories, at iba pa. Naaresto rin ang may-ari ng bodega na isang Chinese national na hindi pa pinangalanan.
Pinuri naman ni Customs Deputy Commissioner for Intelligence Raniel Ramiro ang matagumpay na operasyon ng mga tauhan laban sa illegal smuggling.
- Latest