^

Metro

GLNF Scottish Mason, MPD Station 12 namahagi ng food packs sa Parola

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa 270 pamilya ang nabigyan ng food packs sa isinagawang Outreach Program ng mga grupo ng Gran Logia Nacional De Filipinas Logia, Jose P Rizal NU 1, JT International Philippines at ng Manila Police District (MPD) Station 12.

Ayon kay Venerable Maestre James Lagasca, maliit na tulong lamang aniya ito sa ilang pamilya sa Parola sa Tondo, Maynila na mas lalo pang pinadapa ng pandemya. Aniya, maraming maliliit na em­pleyado ang nawalan ng kabuhayan kaya minabuti nilang bahagian ang ilang pamilya na nawalan ng trabaho.

Target ding mamahagi ng GNLF Scottish Mason sa ibang lugar sa Maynila.

Sinabi naman ni MPD Station 12 chief Lt. Col. Paul Doles na sisikapin nilang mapanatili ang pagpapatupad ng mga health ptorocols at seguridad sa kanyang nasasakupan. Aniya, 24/7 na nag-iikot ang kanyang mga tauhan upang paalalahanan ang mga residente na nananatili ang pandemya at ipinagbabawal ang paglabas ng bahay.  Kasama sa outreach program ng GNLF sina Premera Vigilante Alfredo R Fabian III, Segunada Vigilante, Elgene Tichingbon at Secretario Jonathan Leonardo.

vuukle comment

MPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with