^

Metro

Lalaki, huli sa pagbebenta ng pekeng vaccination cards online

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Lalaki, huli sa pagbebenta ng pekeng vaccination cards online
Photo show a COVID-19 vaccination id.
Philstar.com / Ian Lising

MANILA, Philippines — Isang lalaki ang inaresto ng mga awtoridad dahil sa umano’y pagbebenta ng pekeng COVID-19 vaccination cards online sa isinagawang buy-bust operation sa Quezon City.

Sa ulat ni PMajor Loreto Tigno, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) kay Quezon City Police District (QCPD) Director, BGen. Antonio Yarra, nakilala ang suspek na si Mark Anthony Cervantes, 33, residente ng Santiago St., Brgy. Malanday, Valenzuela City.

Bago ang pag-aresto ay nagsagawa umano ang mga tauhan ng District Anti-Cyber Crime Unit (DACCU), sa pangunguna ni PMAJ Jacqueline Ta-a ng cyber-patrolling, gamit ang kanilang official Facebook account, nang maispatan ang account ng isang Reylelyn Dela Fuente na nag-aalok ng vaccination card para sa mga hindi pa bakunado, kapalit ng halagang ?400.

Dahil dito, kaagad na nakipag-ugnayan ang mga DACCU personnel sa mga tauhan ng CIDU para i-validate ang impormasyon.

Nagkasa rin ng joint buy-bust operation ang ope­ratiba ng DACCU at CIDU kung saan naaresto ang suspek dakong alas-5:15 ng hapon sa East Service Road, malapit sa EDSA Balintawak, Brgy. Unang Sigaw.

Nakumpiska mula sa suspek ang ilang mga pekeng vaccination cards at buy-bust money.

Ang suspek ay nakapiit na at nakatakdang sampahan ng kasong Falsification of Public Documents sa ilalim ng Revised Penal Code at paglabag sa Republic Act 11332 o The Mandatory Reporting of Notifiable Diseases Law.

Kaugnay nito, binalaan naman ni Yarra ang publiko laban sa paggamit ng mga pekeng COVID-19 vaccination cards upang makaiwas sa mga kasong kriminal at pagkabilanggo.

“With the implementation of the ‘No Vax, No Entry’ and ‘No Vax, No Ride’ policies in all establishments and public transportations respectively, we in the NCRPO will be more stringent in enforcing the same in order to control, if not totally eradicate, the upsurge of COVID-19 in Metro Manila,” ayon naman kay MGen. Vicente D Danao Jr., Regional Director ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Samantala, binalaan din ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang publiko na itigil ang paggamit at pagbebenta ng mga pekeng vaccination cards.

“Maliban sa ito ay may kaakibat na Criminal Char­ges ay inilalagay din ninyo sa kapahamakan ang buhay ng ibang residente. Maging babala sana ito sa iba pang gumagawa ng ganitong modus,” aniya pa.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with