^

Metro

Yorme nagbabala sa murang gamot online

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kapag masyadong mura, magtaka. Hindi lahat ng mura mabisa.’

Ito ang ginawang babala ni Manila Mayor Isko Moreno, kasunod nang pagkaka-aresto sa isang online seller na nakumpiskahan ng nasa ?1.8 milyon pekeng gamot na ginagamit ng mga pasyente ng COVID-19 na may mild symptoms lamang.

Kasabay nito, nanawagan si Moreno, gayundin si Vice Mayor Honey Lacuna sa publiko na kaagad na isumbong sa mga awtoridad kung may nadiskubre silang gumagawa ng mga pekeng gamot.

Pinayuhan din ng alkalde ang publiko na bumili lamang ng mga gamot sa mga awtorisadong botika.

Ikinalungkot din ng alkalde na sa kabila ng pandemya ay may ilang indibiduwal pa ang nagsasamantala sa sitwasyon.

‘Walang masamang kumita pero hindi ‘yung makakaperwisyo ka sa kapwa. ‘Yung wala kang inaapakang likod o wala kang inaapakang paa,’ dagdag pa ni Moreno.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with