^

Metro

2 Chinese huli sa robbery extortion

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado  sa entrapment operation ang dalawang Chinese nationals na inireklamo sa pangho-hostage ng passport at visa  ng kanilang dating empleyado, kapalit ng P1-milyon sa Parañaque City, Martes ng gabi.

Nahaharap sa kasong robbery extortion ang mga naares­tong suspek na sina Caimu Chen, 41 at Qiao  Zhuhua, 25, ayon kay Southern Police District (SPD) Director P/Brig. General Jimili Macaraeg.

Sa ulat, dakong alas-9:00 ng gabi kamakalawa nang isagawa ang entrapment ng mga awtoridad ang entrapment laban sa mga suspek sa Ninoy Aquino Avenue, Barangay San Dionisio, Parañaque City.

Bago ang pag-aresto, nagpasaklolo ang biktimang kinilalang si Li Menghai sa Parañaque Police matapos hingan umano siya ng P1,000,000 ng mga suspect kapalit ng hinihingi niyang passport at visa na kinokontrol ng mga suspek na dating naging employer.

Nang dumating na ang biktima sa lugar na  napagkasunduan nila ng mga dating amo, inutusan siyang pumasok sa sasakyan at doon iabot ang pera.

Nang maibigay na ang pera ay nagbigay ng sign ang biktima sa mga nakaposteng operatiba na agad lumapit ang mga pulis  at dinakip ang mga suspek.

Narekober sa operasyon ang Chinese passport at  Visa ng biktima; isang Toyota Alphard na puti, walong bundle ng tig P1-libong boodle money.

vuukle comment

ARESTADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with