^

Metro

Kontrata ng 227 karagdagang health workers, nilagdaan ni Mayor Vico

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inanunsiyo ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang ginawa niyang paglagda sa kontrata ng may 227 pang health workers sa ilalim ng emergency hiring.

Ang paglagda ay ginawa ng alkalde kahit patuloy pa rin siyang naka-quarantine sa ngayon habang nagpapaga­ling mula sa COVID-19.

Sa kanyang Facebook post kahapon, nabatid na ang naturang emergency hiring ng karagdagang health workers ay isa lamang sa mga highlights nang isinagawa niyang virtual meeting kasama ang mga opisyal ng lungsod.

Inamin ng alkalde na isang malaking hamon ang kakulangan ng mga health personnel ngayong duma­rami ang mga naitatalang bagong kaso ng COVID-19 kaya’t nagpasya silang mag-hire pa ng karagdagang health personnel.

Kabilang aniya sa mga ito ang 28 general practitioners, 61 nurses at 138 na medical specialists, nursing attendants physical therapists at iba pa.

Patuloy pa rin aniyang tumataas ang mga bagong kaso ng COVID-19 kaya’t nagdagdag pa sila ng ka­ragdagang contact tracers na nasa 690 na ngayon at marami pa ang inaasahang darating.

Samantala, iniulat din naman ng alkalde na ang death rate sa lungsod ngayong nagpapatuloy ang COVID-19 surge ay mas kaunti kumpara sa bilang ng mga namatay noong 2021, dahil sa Delta variant.

Ibinalita rin ng alkalde na ang city government ay nagbukas ng dalawa pang vaccination sites habang isa pang private-run vaccination site ang nakatakda na ring magbukas sa mga susunod na araw.  

vuukle comment

VICO SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with