^

Metro

Balikbayan, OFWs libreng mag-quarantine sa Field Hospital sa Maynila

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinikayat ni Manila City Mayor Isko Moreno ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at mga balikbayan na magpopositibo sa COVID-19 na magtungo na lamang sa Manila COVID-19 Field Hospital (MCFH) para sumailalim sa ‘quarantine’ nang walang babayaran.

Sinabi ni Moreno na mas mainam ito kaysa gumastos ng kanilang inipon ang mga OFWs at balikbayan sa mga kaha­lintulad na pasilidad.

“Access is available to them anytime. Just tell the BOQ (Bureau of Quarantine) ‘wag na kayo dalhin sa hotel. You can request. Hanggang kaya, tutulong kami,” ayon kay Moreno.

Ito umano ang maliit na pagbalik ng pabor ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa ipinadalang ‘cash donations’ ng mga OFWs at immigrants sa kasagsagan ng pandemya noong 2020.

Tinitiyak niya na magiging kumportable ang mga pasyente sa loob ng field hospital sa ilalim ng pamumuno ni Dr. Arlene Dominguez. Walang gagastusin kahit isang sentimo ang bawat pasyente hanggang sa tuluyan nang gumaling.

“Welcome kayo sa Maynila. We are offering the said services for free, Komportable, walang tosgas. Me aircon, maayos na hospital beds, doctors, nurses, food, oxygen, gamot, wifi  at may libre chicha pa three times a day. Para nang sa ganun, ‘yung naipon ninyong pera ‘di na masusugatan pa at maiuuwi ninyo nang buong-buo sa inyong tahanan,” pagtitiyak ng alkalde.

Sa pamamagitan nito, tinitiyak niya kasama si Vice Mayor Honey Lacuna na bawat sentimo na napupunta sa kaban ng lokal na pamahalaan ay nagagastos ng tama at para sa benepisyo ng mas nakararami.

Sa kasalukuyan, nasa 105 nang kabuuang 344 higaan sa field hospital ang okupado.  Hindi katulad noong nakaraang linggo na nasa 93% na ang naging occupancy rate.

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with