^

Metro

Trike salpok sa trak: Rider patay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang driver ang nasawi, habang sugatan ang kanyang pasahero, nang sumalpok ang minamaneho nitong tricycle sa isang humintong truck sa Brgy. Lourdes, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Kaagad na binawian ng buhay ang biktimang si Miko Ronquillo, 27, at residente ng Brgy. San Vicente, Quezon City habang nagtamo naman ng mga sugat at pilay sa katawan ang kanyang kasama na si Ronnie Laurente.

Samantala, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang driver ng truck na nakilalang si Ronald Santiago.

Batay sa inisyal na ulat ng Quezon City Police District (QCPD)-Traffic Sector, pasado ala-1:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa Quezon Avenue, kanto ng D. Tuazon St. sa Brgy. Lourdes.

Minamaneho umano ni Santiago ang kanyang truck na may kargang buhangin mula sa Montalban, Rizal, nang mapahinto siya sa stop-light sa naturang lugar.

Laking gulat na lang umano nitong si Santiago nang biglang sumalpok ang tricycle ng mga biktima ang likurang bahagi ng truck.

Ayon sa nakatatandang kapatid ng biktima na si Michael, dumalo pa raw sa birthday ng kanyang hipag si Ronquillo bago ang pangyayari.

Patuloy pa rin naman ang  isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

vuukle comment

QCPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with