^

Metro

Bebot na angkas sa motorsiklo, dedo sa nakasagiang truck

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Bebot na angkas sa motorsiklo, dedo sa nakasagiang truck
Sa ulat ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), dakong alas-11:50 ng umaga nang maganap ang aksidente sa southbound lane ng Taft Avenue, kanto ng Pedro Gil St., sa Malate. Biglang nagkasagian ang dalawang sasakyan dahilan para tumilapon ang dalawang biktima na sakay ng motorsiklo.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang babae na angkas ng isang motorsiklo makaraang masagi ng isang delivery truck sa may Malate, Maynila nitong Linggo ng tanghali.

Nakilala ang biktimang si Jennifer Bulong, 45, residente ng Brgy. Holy Spirit, Quezon City.  Nilalapatan din ng lunas sa natamong pinsala ang nagmamaneho ng motorsiklo na si Nonie Luig.

Arestado at nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide with physical injury and damage to property ang suspek na si Randy Villadarez.

Sa ulat ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), dakong alas-11:50 ng umaga nang maganap ang aksidente sa southbound lane ng Taft Avenue, kanto ng Pedro Gil St., sa Malate.  Biglang nagkasagian ang dalawang sasakyan dahilan para tumilapon ang dalawang biktima na sakay ng motorsiklo.

Mabilis naman umanong nakaresponde ang Rescue Team ng Maynila kaya naisugod sa naturang pagamutan ang mga biktima ngunit minalas na napuruhan sa ulo si Bulong dahilan ng kaniyang pagkasawi.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with