^

Metro

3 preso sa Bilibid, pumuga

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlong bilanggo buhat sa maximum security compound ng New Bilibid Prison (NBP) ang nagawang makatakas  makaraang makipagbarilan sa mga jailguards  kahapon ng umaga.

Nakilala ang mga tumakas na sina Arwin Villeza, 35, may kasong homicide at attempted homicide; Drakilou Yosores Falcon, 34, may kasong robbery at homicide; at Pacific Villaruz Adlawan, 49, may kasong frustrated homicide at illegal drugs.

Sa inisyal na imbestigas­yon ng Muntinlupa City Police, dakong ala-1 ng madaling araw nang maganap ang pagtakas ng mga preso.  Tumalon umano ang mga pugante sa path walk at nakipagbarilan sa mga guwardiya sa Gate 3 at 4.

Sugatan ang tatlong jailguards at isang inmate na tinamaan ng bala dahil sa pamamaril ng mga pugante.  Agad silang dinala sa Ospital ng Muntinlupa para gamutin.

Nabatid na hinatulan na ng ‘reclusion perpetua’ o pagkakulong ng 20 hanggang 40 taon ng Parañaque Regional Trial Court si Villeza habang dinidinig pa ang kasomg double murder ni Falcon sa Tandag City, Surigao Del Sur RTC at maging ang kasong Homicide ni Adlawan sa Bacoor City RTC.

Patuloy ang manhunt ­operation ng BuCor at Philippine National Police sa mga pugante. Nagbabala rin ang pulisya sa publiko na armado at mapanganib ang mga pu­gante. Samantala, sa inilunsad na manhunt operation, napatay ang ang dalawa sa pumuga, isa dito si Adlawan.

Nakorner si Adlawan sa isang creek malapit sa Manila Cavite Expressway at napatay ng mga tauhan ng BuCor nang manlaban. Natagpuan sa malapit sa bangkay niya ang isang kalibre .9mm na baril.

vuukle comment

NEW BILIBID PRISON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with