^

Metro

Mayor Vico, nagpositibo sa COVID-19

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mayor Vico, nagpositibo sa COVID-19
Mismong si Sotto ang nagkumpirma sa kanyang social media accounts na positibo na siya sa virus nitong Sabado.
Philstar.com / Efigenio Toledo IV, file

MANILA, Philippines — Nagpositibo sa COVID-19 si Pasig City Mayor Vico Sotto.

Mismong si Sotto ang nagkumpirma sa kanyang social media accounts na positibo na siya sa virus nitong Sabado.

Ayon kay Sotto, sa ngayon ay nakakaranas siya ng pananakit ng lalamunan, lagnat at pananakit ng katawan.

Sa kabila nito, sinabi ng alkalde na walang dapat na ipag-alala ang kanyang mga constituents at mga tagasuporta dahil nasa maayos siyang kalagayan.

Patuloy rin umano siyang magtatrabaho kahit nasa isolation sa loob ng pitong araw.

“Hi everyone, bad news, I’ve tested positive for covid-19. I have sore throat, fever, and body aches, but please don’t worry!” paskil pa ng alkalde sa kanyang Facebook account.

“I’ll continue to work remotely while in isolation for the next 7 days,” aniya pa.

Pinayuhan din naman ni Sotto ang publiko na maging maingat at palakasin ang resistensiya dahil talaga aniyang mabilis na makahawa ang Omicron variant ng COVID-19.

Dapat din aniyang maging responsable at huwag na munang lumabas ng bahay kung may sintomas ng sakit upang hindi na makapanghawa pa ng iba.

Sinabi ni Sotto na naka-ilang close contact siya sa Delta variant, kabilang sa kanyang driver mismo, ngunit hindi siya nagkasakit. Gayunman, hindi na aniya siya nakaligtas pa sa Omicron variant.

vuukle comment

COVID-19

VICO SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with