^

Metro

Operasyon ng MRT-3, natigil dahil sa signaling problem

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Operasyon ng MRT-3, natigil dahil sa signaling problem

MANILA, Philippines — Napilitan ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na magtigil ng kanilang operasyon kahapon ng tanghali bunsod ng dinanas na aberya sa signaling system.

Batay sa advisory ng MRT-3 na inilabas dakong alas-12:38 ng tanghali, nabatid na inabisuhan nito ang lahat ng kanilang mga tren na tumigil sa pinakamalapit na istasyon habang inaayos ang problema.

Humingi rin ito ng paumanhin sa mga pasahero dahil sa perwisyong idinulot ng aberya.

Kaagad rin namang naiayos ang problema sa signaling system at pagsapit ng alas-12:45 ng tanghali ay naibalik na ang full operations ng mga tren nito mula North Avenue station hanggang sa Taft Avenue station.

“As of 12:45 pm, MRT-3 resumed full operations from North Avenue station to Taft Avenue station (both bounds), with 17 running trains,” ayon pa sa MRT-3.

Ang MRT-3, na bumabagtas sa kahabaan ng EDSA, ang siyang nag-uugnay sa North Avenue sa Quezon City at Taft Avenue sa Pasay City.

vuukle comment

MRT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with