^

Metro

Chinese na kumidnap ng kababayan, arestado

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Chinese na kumidnap ng kababayan, arestado
Nakilala ang nailigtas na biktima na si Liu Kun, 26, nanunuluyan sa Unit 224 sa isang condominium building sa Pasay City habang tinukoy ang ­inarestong suspek na si Gao Lei, nakatira naman sa Unit 520 ng isa pang condominium building sa parehong lungsod.
STAR/File

MANILA, Philippines — Timbog ang isang Chinese national dahil sa pagdukot sa isa niyang kababayan na pinapa-tubos sa isang kaibigan, sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng Pasay City Police nitong Lunes ng gabi.

Nakilala ang nailigtas na biktima na si Liu Kun, 26, nanunuluyan sa Unit 224 sa isang condominium building sa Pasay City habang tinukoy ang ­inarestong suspek na si Gao Lei, nakatira naman sa Unit 520 ng isa pang condominium building sa parehong lungsod.

Sa ulat, alas-9 ng gabi nitong Lunes nang iulat ni Wang Chen Yang, 28, ang pagdukot ng suspek sa kaibigan niyang si Liu na dinala sa kaniyang condominium unit sa may Sunrise Drive, Pasay City.

Ayon kay Wang, tumawag sa kaniya ang kaibigan at nakiusap na bayaran ang ransom na hinihingi ni Gao para mapalaya siya ng ligtas. Dito umaksyon ang mga tauhan ng Pasay Police Intel Section at Investigation and Detective Section (IDMS) at sinalakay ang kinaroroonan ni Gao.

Sa ibaba pa lamang ng condominium building, natukoy na ni Wang ang behikulo ng suspek na hinarang ng mga pulis at ipinatupad ang pag-aresto. Matagumpay ring nailigtas sa loob ng condominium unit ang biktima.

Pagdating sa harapan ng Pasay City Police Station, napansin ng mga pulis ang kahina-hinalang bagay sa loob ng sasak­yan ni Gao. Nang kanilang inspeksyunin ito, nadiskubre ang isang glass tube na may bakas ng shabu at isang plastic sachet na naglalaman ng limang hindi pa makumpirma na uri ng kapsula.

Sinampahan na ng kasong Kidnapping for Ransom at paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Gao base sa mga ebidensyang nakalap sa kaniya na isasailalim pa rin sa chemical analysis para sa berepikasyon.

vuukle comment

CHINESE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with