Tricycle inararo ng SUV: 2 patay
MANILA, Philippines — Dalawa katao ang nasawi makaraang tumilapon sa sinasakyang tricycle nang araruhin ng isang SUV, kamakalawa ng umaga sa Malabon City.
Dead-on-the-spot sina Nobelia Esto, 54 at Norberto Pinurla, 47.
Nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan si Esto habang tumilapon naman si Pinurla sa ilog. Makaraan ang ilang minuto ay nakuha ang bangkay ni Pinurla sa Tullahan River.
Sugatan naman ang iba pang biktima na sina Shielo Escamillas, 44 at Ericson Lala, 50.
Kinilala naman ni Malabon police chief P/Col. Albert Barot ang suspek at driver ng Mitsubishi Xpander na si Kim Russel Sioco, 26, residente ng Niugan, Malabon City.
Batay sa inisyal na imbestigasyon binabaybay ni Pinurla ang Lambingan Bridge dakong alas- 3:35 ng madaling araw ang sumalubong si Sioco dahilan para masalpok nito ang tricycle kung saan tumilapon sina Esto at Pinurla saka nabangga ang dalawa pang sasakyan na Ford Lynx at Honda City.
Ang insidente ay nakuhanan ng close circuit television (CCTV) camera na nakalagay sa lugar.
Ayon sa pulisya, sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in double homicide at damage property at paglabag sa R.A 10586 o anti-drunk /drugs driving law.
Sinabi ng imbestigador na nagpositibo sa alcohol breath analyzer si Sioco.
- Latest