^

Metro

NCR, ‘very low risk’ na sa COVID-19 - OCTA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
NCR, �very low risk� na sa COVID-19 - OCTA
Dumagsa ang mga deboto ng Itim na Nazareno sa Quiapo Church sa first Friday kahapon.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — ‘Very low risk’ na sa COVID-19 ang National Capital Region (NCR) batay sa latest report ng OCTA Research Group.

Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Group, nagkaroon ng malaking improvement ang mga datos mula Nobyembre 26 hanggang Disyembre 2 kumpara sa kaparehong panahon noong 2020.

Batay anya ito sa kanilang metrics kung ikukumpara ang bilang ng kaso ng COVID ngayong linggo sa bilang nito noong nagdaang linggo.

Sinabi ni David na  umaabot na lamang sa 138 ang average na naitatalang bagong kaso ng COVID-19 kada araw mula Nobyembre 26 hanggang Disyembre 2, 2021 kumpara sa 416 noong 2020.

Anya,  may  0.36 ang reproduction number ngayong taon kumpara sa 0.94 noong 2020 habang ang daily attack rate per 100,000 ay 0.97 na mas mababa kaysa sa 2.94 noong nakaraang taon.

Umaabot na lamang anya sa 1.2 percent ang positive rate ngayong 2021 mula sa 3.9% noong 2020.

Sa ngayon ang NCR ay nananatiling nasa Alert Level 2 hanggang Disyembre 15, 2021. —Danilo Garcia

 

 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with