^

Metro

Pekeng traffic enforcer, arestado

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pekeng traffic enforcer, arestado
Nakilala ang suspek na si Dodgie Garcia, 52, ng Int.27 , Raxabago St., Tondo. Nabatid na dating tauhan nga ng MTPB ang suspek ngunit sinibak sa trabaho dahil sa mga ginagawang iligal.
STAR / FIle

MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang lalaki na nagpapanggap na tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) makaraang madakip habang nasa aktong iligal na nagbebenta ng stickers sa mga tricycle drivers sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng umaga.

Nakilala ang suspek na si Dodgie Garcia, 52, ng Int.27 , Raxabago St., Tondo. Nabatid na dating tauhan nga ng MTPB ang suspek ngunit sinibak sa trabaho dahil sa mga ginagawang iligal.

Sa ulat na isinumite kay Lt. Col. John Guiagui, station commander ng Sta. Cruz Police Station 3, bandang alas-7:45 ng umaga ng Biyernes nang arestuhin si Garcia sa panulukan ng Blumentritt at Pedro Guevarra Sts, Sta.Cruz, habang nagbebenta ng mga stickers ng MTPB at ng sticker ng Manila City Hall.

Nagkakahalaga ng P200 ang presyo ng nasabing mga stickers na iniaalok nito sa mga tricycle driver na ginarantiyahan niya na paraan para hindi sila mahuli ng mga traffic enforcers kahit may bayolasyon.

Maging ang mga truck driver at ilang behikulo na dumaraan sa lugar ay kanya umanong binebentahan ng stickers.

Inamin naman ng suspek na nagpapagawa umano siya ng sticker sa Recto sa halagang P50 at ibinebenta ng P200 kada isang piraso.

vuukle comment

TRAFFIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with