2 ‘tulak’ nalambat sa buy-bust
MANILA, Philippines — Timbog ang dalawang ‘tulak’ kabilang ang isang call center agent sa isinagawang buy-bust operation sa Malabon City kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na sina Rommel Reyes, 44 at Anthony Soriano, 25, call center agent.
Dakong alas-4:45 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pamumuno ni PLt. Alexander Dela Cruz sa Sto. Nino St., Brgy. Concepcion kung saan isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon kay Reyes.
Nang tanggapin ni Reyes ang marked money mula sa poseur buyer agad siyang pinosasan kasama si Soriano.
Nasamsam sa mga suspek ang tinatayang nasa 1.7 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P11,560, buy bust money at limang plastic sachets na naglalaman ng nasa 19.8 grams ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
- Latest