^

Metro

Parak na killer ng mag-ina sa Tarlac, patay sa Bilibid

Pilipino Star Ngayon
Parak na killer ng mag-ina sa Tarlac, patay sa Bilibid
Ayon kay Chaclag, nadiskubreng nakahandusay sa alley ng Maximum Security Compound si P/Master Sergeant Jonel M. Nuezca dakong alas- 6:30 ng gabi noong Martes. Sinasabing naglalakad ito nang bigla na lamang tumumba.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nasawi noong Martes ng gabi ang nag-viral  na pulis na sinentensyahan kaugnay sa pagpatay sa mag-inang kanyang kapitbahay sa Tarlac noong Disyembre ng nakalipas na taon.

Kinumpirma ito kahapon ni Bureau of Corrections (BuCor) spokesperson Gabriel Chaclag.

Ayon kay Chaclag, nadiskubreng nakahandusay sa alley ng Maximum Security Compound si P/Master Sergeant Jonel M. Nuezca dakong alas- 6:30 ng gabi noong Martes. Sinasabing naglalakad ito nang bigla na lamang tumumba.

Agad naman itong isinugod  sa ospital ngunit idineklarang dead-on-arrival.

Isinasailalim sa awtopsiya ang bangkay ni Nuezca para matukoy ang sanhi ng biglaang pagkamatay gayung wala umanong rekord ng anumang sakit sa kanilang pagkakaalam ang pulis.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon na hahawakan ng National Bureau of Investigation (NBI).

Si Nuezca ay nakasuhan ng 2 counts of murder at na-convict dahil sa pamamaril na ikinasawi ng mag-inang  Sonya at anak na si Frank Gregorio sa Tarlac.

vuukle comment

BUREAU OF CORRECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with