^

Metro

Quezon City LGU walang tinatanggihang political rally

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Quezon City  LGU walang tinatanggihang political rally
Ito ang ipinahayag ni Mayor Joy Belmonte kasabay nang pagsasabing wala silang tinanggihang anumang request mula sa kanyang katunggali na si Rep. Mike Defensor para magsagawa ng rali.
Facebook / Quezon City Local Government

MANILA, Philippines — Taliwas sa katotohanan ang naging pahayag ng isang kongresista na hindi sila pinayagang makapagsagawa ng political rally sa Quezon City Memorial Circle (QCMC) bilang pagpapakita ng suporta sa presidential bid ni Bongbong Marcos.

Ito ang ipinahayag ni Mayor Joy Belmonte kasabay nang pagsasabing wala silang tinanggihang anumang request mula sa kanyang katunggali na si Rep. Mike Defensor para magsagawa ng rali.

Sa katunayan umano, mismong ang QC government pa nga ang nag-alok sa kampo nito na gamitin ang  covered gymnasium, na isa sa pinakabagong pasilidad sa QCMC na maaaring makapag-accomodate ng may 3,000 katao na nasusunod ang social distancing.

Gayunman, iginiit umano ng kampo ni Defensor na magamit ay ang Liwasang Aurora.

Paliwanag ng QC LGU na mahirap makontrol ang dagsa ng tao sa pasilidad sa Liwasang Aurora dahil ito ay bukas sa general public.

Sa isang pahayag, binanggit pa ng pamahalaang lungsod  na bukas sila sa anumang uri ng rali, events at mga programa ng kahit anong partidong politikal hangga’t sinusunod ng mga organizer nito  ang mga panuntunan, regulasyon at mga pamamaraan na mapanatili ang kaayusan sa lugar na nabigyan ng permiso para magamit.

Kasabay naman nito, sinabi pa ni Belmonte na kaklaruhin pa rin nila sa national government ang guidelines sa aktibidades patungkol sa political campaign na posibleng magdulot ng panganib dahil na rin sa nararanasan pang pandemya ng COVID-19.

Nakipagkoordinasyon na rin umano siya sa DILG patungkol dito, kung saan sinabi ng ahensya na ang ganitong mga aktibidad ay hindi pa pinapayagan.

Binanggit naman ni City Attorney Orlando Casimiro na maituturing na isang kalokohan lamang ang iniisyung ito kay Belmonte ng kanyang mga kalaban.

Makakalaban ni Mayor Belmonte sa pagka-alkalde sa lungsod si Defensor para sa 2022 elections.

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with