^

Metro

Kotse salpok sa puno: 2 patay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawa ang nasawi habang dalawa pa ang nasugatan nang bumangga sa isang puno ang sinasakyan nilang kotse sa Alabang-Zapote Road sa Las Piñas kahapon ng madaling araw.

Kapwa dead-on-arrival sa ospital ang mga biktimang  sina Reynaldo Regalado Jr., 52 at Carl Jayson Sta Ana, 31.

Sugatan naman ang dalawa pang sakay din ng Toyota Vios na sina  Rona Mae Regalado Glean, 25  at  Ronald Regalado Glean Jr. 16.

Sa inisyal na ulat ng Southern Police District (SPD), dakong alas-2:15 ng madaling araw nang bumangga sa isang puno ang minamanehong To­yota Vios ni Regalado habang bumabaybay sa may Alabang-Zapote Road patungo sa direksyon ng Alabang.

Sa tulin umano ng takbo nito unang itong sumalto sa bangketa at kumalas ang gulong hanggang sa tuluyang bumangga sa isang puno.

Iniimbestigahan pa kung nakainom ang mga biktima.

vuukle comment

SPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with