^

Metro

Bidding sa construction contracts ng PNR Calamba train line, umaarangkada na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaarangkada na ang bidding para sa lahat ng construction contracts ng 56-ki­lometrong Philippine National Railways (PNR) Calamba train line, na siyang mag-uugnay sa Metro Manila at Laguna.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Timothy John Batan, na pinuno ng railway division ng DOTr, sa pamamagitan nito mapahihintulutan na ang konstruksyon ng mga bagong istasyon pagpasok ng 2022.

Sinabi ni Batan na ang lahat ng siyam na kontrata para sa PNR Calamba, ay halos kumpleto na.

Aniya, ang unang anim na kontrata ng proyekto ay nirerebyu na ng Asian Deve­lopment Bank, na sumusuporta sa proyekto, kasama ang Japan International Cooperation Agency (JICA).

“By next year, we will see 19 more stations start construction within the 56 ki­lometers of PNR Calamba,” dagdag pa niya.

Nabatid na ang 19 na istasyon ng PNR Calamba ay matatagpuan sa limang lungsod sa Metro Manila at anim na lungsod sa Laguna.

Tatakbo ito mula Metro Manila simula sa Solis St., Tondo hanggang sa Calamba, Laguna.

Sa tulong ng proyekto, ang kasalukuyang travel period na apat na oras ay inaasahang iikli at magiging isang oras na lamang.

vuukle comment

PNR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with