^

Metro

Kelot binaunan ng bala sa ulo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Kelot binaunan ng bala sa ulo
Batay sa ulat ng ­Quezon City Police District (QCPD), bago mag-ala-una ng madaling araw nang madiskubre ang bangkay ng biktima ng isang motorcycle ri­der sa Samonte St., Brgy. Holy Spirit, ­Quezon City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang bangkay ng lalaki na may tama ng bala sa ulo ang nadiskubre sa gilid ng kalsada sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima na inilarawan lamang na nasa hanggang 40-anyos ang edad, may taas na 5’4”, nakasuot ng beige na pantalon at kulay gray na pang-itaas na mahaba ang manggas at may tatak na Freego jeans.

Batay sa ulat ng ­Quezon City Police District (QCPD), bago mag-ala-una ng madaling araw nang madiskubre ang bangkay ng biktima ng isang motorcycle ri­der sa Samonte St., Brgy. Holy Spirit, ­Quezon City.

Napadaan umano ang rider sa lugar at nakita nito ang nakabulagtang lalaki.

Kaagad umanong itinawag ng rider sa mga rescuer ang insidente sa pag-aakalang hinimatay lamang o inatake sa puso ang biktima.

Pagdating ng mga rescuers, kaagad umano nilang kinuha ang vital signs ng lalaki at isinakay sa spine board ngunit nadiskubreng patay na ito dahil sa tama ng bala sa ulo.

Habang naghahanap naman ng pagkakakilanlan sa biktima, nakarekober ang mga rescuers ng dalawang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, na nakabalot sa papel, mula sa bulsa nito kaya’t kaagad nila itong itinawag sa mga awtoridad.

Inaalam pa ng mga tauhan ng QCPD-Police Station 14 at Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) kung ano ang posibleng motibo sa pagpatay sa biktima, gayundin kung sinu-sino ang mga taong nasa likod ng krimen.

vuukle comment

QCPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with