^

Metro

Karnaper timbog sa Maynila

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Huli sa akto habang lulan pa sa ninakaw na motorsiklo ang isang karnaper, kamakalawa ng gabi sa Paco, Maynila.

Kinilala ang nadakip na si Jefferson Picazo, 31, binata, ng Fabie Estate, Paco, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Manila Police District-Sta. Ana Police Station 6, dakong alas-7 ng gabi nang iulat ni Darius Hilario, 50, ang pagkawala ng Mio type scooter na hiniram niya sa kaanak sa tapat ng kaniyang bahay sa may Road 20, Paco.  Inamin niya na nakalimutan niyang tanggalin ang susi bago siya pumasok ng bahay.

Nang madiskubre ang pagkawala ng motor, agad niyang ipinaalam ito sa may-ari at nagtungo sila sa barangay hall ng Barangay 812.  Dito nila nakilala ang hitsura ng salarin na tumangay ng motorsiklo sa pamamagitan ng CCTV footage ng barangay.

Agad na humingi ng saklolo ang dalawa sa pulisya na agad na kumilos para hantingin ang suspek. Sa kanilang paghahanap sa Paco, suwerteng naispatan ng biktima at ng mga pulis si Picazo na nakasakay sa ninakaw niyang motorsiklo dahilan para ito arestuhin.

vuukle comment

CCTV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with