^

Metro

Bebot binaril sa likuran, patay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bulagta ang isang babae habang malubhang nasugatan ang kaniyang kasamang lalaki makaraang barilin sila buhat sa likuran ng isang hindi pa nakikilalang salarin habang naglalakad sa may Tondo, Maynila nitong Lunes ng hapon.

Nakilala ang nasawi na si Abigail Ampil, 38, ng Benita Street, Tondo habang sugatan ang kasama niyang si Franckie Sena, 38, nakatira rin sa nasabing lugar.

Sa inisyal na ulat ng Manila Police District-Homicide Section, naglalakad sina Ampil at Sena sa may Hermosa Street sa Brgy. 183 Tondo alas-5:40 ng hapon nang pagsapit sa may Sunog Apo Pumping Station ay biglang sumulpot ang nag-iisang salarin.

Buhat sa likuran, pinagbabaril ng salarin si Ampil habang tinamaan ng ligaw na bala si Sena.  Agad na tumakas ang salarin na isa umanong lalaki.

Naisugod ng mga opisyal ng barangay sa Chinese General Medical Center ang mga biktima kung saan nalagutan ng buhay si Ampil habang isinasalba ng mga manggagamot.

Blangko pa naman ang pulisya sa motibo ng pamamaslang na kasalukuyang inaalam na ngayon ng mga imbestigador.  Nangangalap na rin ang pulisya ng mga ebidensya kabilang na ang footages ng mga CCTV sa bisinidad ng lugar ng krimen para makilala ang gunman.                                                          

vuukle comment

SENA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with